-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ng gitarista ng bandang Queen na si Brian May matapos na maaksidente sa sarili nitong hardin.

https://www.instagram.com/p/B_3mBS7FJeV/

Sa kaniyang social media, ibinunyag nito ang pangyayari kung saan dinala ito sa ospital matapos na maaksidente na kinasasangkutan ng kaniyang puwet.

Hindi naman nito idinetalye kung paano nangyari ang aksidente.

Nanawagan na lamang ito sa mga fans na huwag siyang kaawaan at sa halip ay hayaan na lamang siyang magpagaling.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay naglabas sila ng kantang “We Are The Champions” na alay sa mga frontliners na lumalaban sa coronavirus.
Kasama niya dito sina Roger Taylor at singer Adam Lambert na siyang pumalit sa namayapang si Freddie Mercury.