CAUAYAN CITY – Pumangatlo ang Isabela Women Football Team sa ginanap na 2023 PSU Best 7 Football Cup sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Coach Edilberto Lelis, coach ng Queen Isabela Football Association – Ilocanas, sinabi niya na ito ang unang pagkakataon na sumabak ang team sa out of town at naging maganda naman ang resulta.
Sa pagsabak ng mga batang players sa ibang lugar ay natuto sila sa iba’t ibang sistema ng football na dati ay sistema lang sa Region 2 ang kanilang baon sa pagsabak sa kompetisyon.
Aniya, may dalawang team na binubuo ng QIFA; ang Team A at Team B na parehong nakapasok sa Top 3 at hindi na nakaangat pa dahil sa draw records ng tumalo sa kanilang team.
Ang men’s football team A, na binubuo ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang lunsod at bayan sa Isabela ay tinapos ang 7-a-side tournament na may 3 wins at 2 losses upang maging third best team sa bracket B habang ang women’s football team naman ay nagawang mkapasok sa semifinals ngunit bigong makuha ang championship.
Ang team B ng men’s football team ay nakapagbigay ng solidong record matapos magtala ng dalawang panalo dalawang draw at isang talo.
Ayon kay Lelis, napakalaking challenge nito sa mga batang players dahil wala silang preparasyon dahil namili lamang sila sa nakaraang tournament sa Cauayan City at sila na ang sumabak.
Bagamat hindi laging nakakalaro ang mga ito ay maganda ang resulta ng kanilang laro dahil sa angkin nilang talino sa football.
Sa ngayon ay may plano na silang magsagawa ng tournament sa buong Club sa Isabela sa buwan ng Mayo.