-- Advertisements --

Ikinatuwa ng fans ng legendary band na Queen ang pagkakaroon nila ng postal stamp.

Ito ay dahil nakatakdang ipagdiwang ng banda ang kanilang ika-50 anibersaryo.

Mayroong 13 uri ng stamps ang nakatakdang ibenta sa susunod na buwan.

Makikita sa stamps ang mga artworks mula sa kanilang mga sikat na album covers.

Kasama rito ang kanilang unang studio photoshoot noong 1974.

Nagpasalamat naman ang drummer ng banda na si Roger Taylor sa pagkakapili sa kanila na ilagay sa stamp dahil kadalasan kasi na nailalagay ay mga nasa royal position.