-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Queen Margrethe II ng Denmark.

Ayon sa Royal House, na nakaranas ng mild symptoms ang 81-anyos na reyna.

Nakatanggap na rin ito ng ikatlong dose ng bakuna noong Nobyembre.

Dahil dito ay kinansela na rin niya ang mga planong holiday trip sa Norway.

Naka-isolate na rin siya sa palasyo sa Copenhagen at ito binabantayan ng mga doctor ang kaniyang kalusugan.