Kasalukuyang nasa Pilipinas si Queen Máxima ng Netherlands bilang United Nations Secretary-General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA) para sa kaniyang 3 araw na pagbisita para itaguyod ang financial inclusion.
Partikular na binisita ni Queen Maxima ang mga itinuturing na traditionally underserved groups gaya ng mahihirap, kababaihan, maliliit na magsasaka at maliliit na negosyo sa bansa.
Sa unang araw ni Queen Maxima sa bansa, kaniyang binisita ang Talim Island na isang remote island sa bayan ng Binanginan at Cardona sa Rizal kung saan ang mga residente ay humaharapa sa ilang mga hamon na magkaroon ng access sa mga financial service.
Para matugunan ang naturang problema, nagbigay ang isang microfinance-oriented rural bank ng iba’t ibang financial services tulad ng payments, savings, credit at insurance sa naturang remote community.
Sa biyaheng ito ng Reyna ng Netherlands, kinausap din niya ang mga miyembro ng fisherfolk community para makita kung paano nagawang mas maganda pa at accessible ang financial services sa lugar.
Sa isang media briefing matapos ang kaniyang unang araw sa bansa, kaniyang sinabi na nalaman niya ang mga improvement sa Talim island kung saan nagawang mas mailapit pa sa mga residente ang financial services.
Isa nga sa malaking improvements na nakita ni Queen Maxima sa Talim Island ay ang paggamit ng mobile application na konek2CARD kung saan maaari na nilang ma-access ang financial services mula sa kanilang phone.
Ibinahagi din nito na ibinahagi sa kaniya ng mga nakausap niyang mangingisdang Pilipino ang tungkol sa 5 uri ng insurance na mayroon sila kung saan isa na dito ang hospitalization insurance dahil isa ang pinakainaalala umano ng mga Pilipino ay ang medical expenses kaya’t malaking tulong aniya ang financial services para sa maraming tao.