-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas ang aktres at Queen of All Media Kris Quino matapos ang ilang taong pamamalagi sa Amerika para magpagamot para sa kaniyang autoimmune illness.

Kinumpirma ito ng butihing kaibigan ng aktres na si Len Alonte nitong umaga ng Biyernes.

“Just landed Manila. Yes, she’s back,” pagbabahagi ni Alonte.

Una ng nagbahagi din ang actress-TV host ng mahabang post sa kaniyang official Instagram account nitong Huwebes kung saan ikinuwento niyang dumating siya sa Amerika nang may 3 diagnosed autoimmune conditions kung saan ang ikaapat dito ay nakumpirma noong late June ng 2022. Kasalukuyan ding inaantay ang resulta ng kaniyang 2 pang autoimmune conditions.

Pinasalamatan din niya ang lahat sa pagdarasal sa kaniyang paggaling.

Saad pa ng aktres na nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas dahil kailangan niyang simulan ang kaniyang ikalawang immunosuppressant infusions o chemotherapy.

“The encouragement and unwavering faith my sisters (and) cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide…Sadly, what was the battle to improve my health is now the struggle to protect my vital organs.”

“This is now the FIGHT OF MY LIFE.”

Samantala, kasamang lumipad ng aktres pabalik ng Pinas ang kaniyang bunso na si Bimby na kaniyang itinuturing na pinakamalaking biyaya sa kaniya at pinagmumulan ng kaniyang lakas.