-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Querubin ang taglay nitong lakas habang nananatili sa karagatang bahagi ng Mindanao.
Huli itong namataan sa layong 195 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number one sa Surigao del Sur.