NAGA CITY- Patuloy ngayon ang isinasagawang monitoring ng lokal na gobyerno ng probinsya ng Quezon dahil sa nararanasang gale warning.
Sa inilabas na memorarmdum ni Governor Danilo Suarez, inalerto nito ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officers (PDRRMO) na magsagawa ng close monitoring sa mga lugar na posibleng apektado ng nasabing sama ng panahon.
Nabatid na aabot sa 2.8 hanggang sa 5.5 meters ang posibleng maranasang gale force o ang taas ng alon sa ilang lugar partikular na sa parte ng eastern Cost ng Quezon.
Kaugnay nito ipinagbawal narin ang pagpalaot ng mga maliliit na sasakyang pandagat habang inalerto naman ang mga larger sea vessels sa posibleng malalaking alon sa karagatan.
Sa ngayon patuloy namang nararansang ang kalat kalat na pag-ulan sa nasabing probinsya.