-- Advertisements --

Hinimok ng Quezon City government ang mga nasasakupan nito na magsagawa ng precautionary measures sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Sa isang advisory, sinabi ng lokal na pamahalaan na nasa “red status alert” ang naturang lugar.

Ito ay matapos ding makapagtala ng average na 27 new cases kada araw mula Disyembre 4 hanggang 7, kung saan tumaas ng 57.9 percent nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, kung nakararamdam ng mga sintomas ay manatili na lamang sa loob ng bahay.

Magsagawa din aniya ng mga personal precautionary measures tulad ng pagsusuot ng mask tuwing lalabas.

Noong Disyembre 7, nakapagtala ang Quezon City ng 186 na mga aktibong kaso ng COVID-19.