-- Advertisements --
Mahigpit ng ire-require ng Quezon City government ang mga iba’t ibang establisyemento na gumamit ng contact tracing apps na Kyusi Pass dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Sa ordinansang aprubado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na dapat maimplementa ito ng bago ang Agosto 15.
Kapag mayroong establisyemento na hindi pa gumagamit ng Kyusi Pass pagdating ng Agosto 15 ay kanila itong papatawan ng parusa.
Magsisimula sa P3,000 na multa hanggang sa pagsasara ng kanilang negosyo ang mga lalabag.
Paraan aniya ito ng Quezon City para masawata ang pagkalat ng bagong variant.