Inanunsyo ng Quezon City government ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod para bigyang-daan ang 2024 Chinese New Year festivities.
Sa isang advisory, ang mga sumusunod na kalsada ay isasara sa vehicular traffic simula 9 p.m. sa Pebrero 8 hanggang 2 p.m. sa Pebrero 11:
-Del Monte Avenue cor. Matutum Street
-G. Roxas Street cor. Banawe Street
-Linaw Street cor. Matutum Street
-Banawe Avenue cor. Sta. Catalina Street
-Sta. Catalina Street cor. Linaw Street
Ang traffic re-routing and management ay ipapatupad sa mga sumusunod na kalsada ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang bigat ng trapiko.