Umabot na sa 636 kaso ng pertussis ang naitala sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Mayo 11 ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Quezon City Epidemiology & Surveillance Division, pito rito ang naiulat na pertussis related deaths o mga nasawi dulot ng nasabing sakit.
Mula ito sa Brgy. Bagong Pag-asa, at Brgy. Santo Cristo sa District 1 na may tig-isang nasawi habang sa Brgy. Payatas II naman sa District 2 ay may dalawang naitalang namatay dahil sa pertussis.
Habang tig-iisa naman ang bilang ng kumpirmadong namatay sa District 3, District 4 at District 5 dahil din sa whooping cough.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng nasabing lokal na pamahalaan sa kanilang mga residente na kung may nararamdaman o napapansin na sintomas ng pertussis ay kaagad na magtungo sa mga health center na malapit sa kani-kanilang mga lugar upang maagapan at mabawasan ang mga kaso ng pertussis sa bansa.