-- Advertisements --
Magpapatupad ng liquor ban ang lungsod ng Quezon City simula Marso 15-30.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakakaalarma na ang kaso ng pagtaas ng COVID-19 kaya nagdesisyon sila na gawin ang hakbang.
Ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom sa mga pampublikong lugar aniya ay may karampatang parusa na kakaharapin.
Bukod aniya sa liquor ban ay ipagbabawal ay pansamantalang isasara ang mga operasyon ng mga fitness gyms, massage spa at computer shops.
Pinapagamit din aniya nila ang Kyusi Pass digital contact tracing app supplemental guidelines.