Nasa proseso na ngayon ang Quezon City Police District (QCPD) sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng napatay na indibidwal kanilang madaling araw, Huwebes Santo sa may Timog Avenue, Quezon City na pinaniniwalaang ang drug lord ng Cebu na si Franz Sabalones.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Quezon City Police Director, PBGen. Joselito Esquivel kaniyang sinabi na hirap silang i-identify ang napatay na indibidwal na may resemblance sa Cebu drug lord dahil sa tatlong identification cards ang narekober sa posisyon nito.
Ayon kay Esquivel, nakikipag-ugnayan na ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit sa Cebu PNP para matukoy ang identity ng napatay na indibidwal.
Aniya, sa ngayon hinihintay na lamang nila ang feedback mula sa Cebu.
Isa sa mga ID na kanilang narekober ay may pangalang isang Jerome Cabilao.
Agad na dinala sa QCPD-CIDU headquarters ang bangkay ng napatay na indibidwal para sa karagdagang imbestigasyon.
Si Sabalones ay boluntaryong sumuko nuon kay dating PNP chief Ronald Dela Rosa na umanin na isa siyang drug lord.
Home Nation
Quezon City Police bina-validate na kung ang Cebu drug lord Franz Sabalones ang napatay sa operasyon
-- Advertisements --