Ginawaran ng parangal bilang Outstanding Filipino Physician si Governor Doktora Helan Tan sa 33rd Jose P. Rizal Memorial Award-Philippine Medical Association.
Ang pagkilala ay ginanap sa SMX Convention Center, Clark Pampanga nitong Sabado, Mayo 18, 2024 kung saan nagsilbing board of judges sina doctors Kenneth G. Ronquillo bilang chairman; Eleanor B. Almoro, at Israel Francis Pargas bilang mga miyembro.
Ang tumanggap ng 33rd Dr. Jose P.Rizal Memorial Award for Government Service category ay mga doktor na nagtataglay ng kakayahan na magserbisyo at magbigay ng commitment sa kanyang komunidad at bansa.
Katulad ng legasiya ni Dr. Jose Rizal na hindi lamang na magaling na doktor kundi kilala rin sa magkakaibang larangan, nagpakita rin si Governor Tan sa loob ng mahabang panahon ng natatanging serbisyo at dedikasyon , innovation at malasakit.
Ang kontribusyon din ng gobernadora ay ang pagbibigay ng malawak na serbisyo sa medisina para magkaroon ng access sa kalusugan ang lahat at bilang public servant, ginamit niya ang kanyang nalalaman sa kalusugan at kondisyon ng tao para magkaroon ng impact hindi lang sa iisang indibibwal na pasyente kundi sa buong lipunan.
Naging instrumento rin anya si Governor Tan sa mga pangunahing isyu pagdatng sa kalusugan kung saan naging diskurso ito sa medical field hanggang national level at ang kanyang hangarin bilang isang public servant at doktor ay isang halimbawa ng isang “well-rounded, multi-faceted nature”.
Nagpakita rin anya ang gobernadora ng isang positibong impluwensya pagdating sa local health systems sa pamamagitan ng paglalagay ng health facilities para mabigyan ang mga pasyente ng kalinga.
Dahil sa pagsisikap ni Gov. Tan, ang kanyang organisasyon ay tumayo para magkaroon ng progreso at innovation sa healthcare, nagsilibing pioneer at model ng Universal Health Care.
Naging mahusay din siya sa collaboration at pag mobilize ng resources para masiguro na prayoridad niya ang pag aalaga sa mga pasyente at partikular rin siyang nakatutok sa pagsisilbi sa mga nangangailangan.