Muling ibinida ni Quezon Gov. Doktora Helen Tan, ang ‘Healing’ Agenda sa kanyang ika-2 na ulat sa Lalawigan o State of the Province Address (SOPA).
Ayon kay Tan, ginagawa nila ang lahat ng programa para sa ikabubuti ng kanilang mga mamamayan.
Sa ikalawang ulat sa Lalawigan na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City, ibinahagi ni Tan ang mga naging pagbabago, progreso, at kaunlarang natamasa ng lalawigan sa nakalipas na mga buwan na naaayon sa ‘Healing’ agenda, na may kahulugang Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure, Nature/Environment & Tourism, at Good Governanca.
Ayon kay Gov. Tan, kabilang sa matagumpay na naisakatuparang serbisyong naihatid ang Medical Mission o ang programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” at may mahigit kumulang 136,000 Quezonian na ang nakibang nito.
Nakapagtala naman ng 51,000 benepisyaryo ang nakinabang sa programang AICS, habang 2,882 benepisyaryo ang nabigyan ng P10,000 mula sa ipinagkaloob na Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and other Families ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Isa rin sa ipinagmalaki ng gobernadora ang mahigit isang milyong turistang nakiisa sa makulay na pagdiriwang ng Niyogyugan Festival ngayong taon.