-- Advertisements --

Inalmahan ng gobernador ng Quezon na produkto ng kanilang probinsya ang mga nakakalasong lambanog na ikinasawi ng mahigit 10 katao.

Sinabi ni Governor Danilo Suarez, na ang nasabing ulat ay isang malisyoso.

Iginiit nito na mahigpit ang kaniyang pamunuan sa mga gumagawa ng lambanog at hindi hinahayaang may mga nakakalusot na mga lumalabag na local producers.

Matapos na kumalat ang balitang pagkakalason ng ilang katao dahil sa paginom ng lambanog ay agad niyang ipinag-utos ang pagbabawal ng pagbebenta ng lambanog.

Tiniyak nito na masasampahan ng kaukulang kaso ang mga lalabag sa nasabing kautusan.

Magugunitang aabot sa 14 na katao na ang nasawi dahil sa paginom ng lambanog mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.