Kinilala ng National Museum ang Quezon Memorial Circle (QMC) bilang isa sa National Cultural Treasures ng bansa.
Ang katawagan na National Cultural Treasure ay ang pinakamataas na government distinction para ibigay sa isang cultural property.
Batay sa Republic Act 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009, ang pagiging National Cultural Treasure kabilang sa kadahilanan ay ang “unique cultural property” na merong pinakamagandang historical, cultural, artistic o kaya scientific value” sa bansa.
Bilang reaksiyon, labis naman ang pasasalamat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa naturang pagkilala mula sa National Museum of the Philippines.
Ang Quezon Memorial na nasa Quezon Memorial Circle (QMC) ay denisensyo ni Architect Federico Ilustre ng Bureau of Public Works na ngayon ay DPWH.
Ang tinatawag na equilateral triangular shrine ay alay sa yumaong si dating Presidente Manuel Luis M. Quezon.
Makikita rito ang museum na nagsisilbi ring mausoleum ng dating presidente ng bansa at kanyang asawa na si Aurora.