-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang probinsiya ng Quezon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ito 4:52 nitong umaga ng Huwebes na tectonic in origin.
May lalim ito na 13 kilometers sa northeast ng Jomalig.
Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila, Camarines Norte, Pampanga at ilang kalapit na bayan.
Wala naman naitalang damyos sa nasabing lindol.
Naitala ang intensity 4 sa Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte; intensity 2 sa San Juan City, Dolores, Quezon; intensity 1 sa Guagua, Pampanga; Malabon City, San Ildefonso at Malolos, Bulacan,; Talisay, Batangas; Palayan, Nueva Ecija; Pasig City at Baler, Aurora.