-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang General Nakar sa probinsiya ng Quezon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST), naramdaman ang lindol dakong alas-2:14 ng Martes nitong madaling araw.
Tectonic in origin ito at may lalim na 15 kilometers ang sentro nito.
Naramdaman din ang nasabing lindol sa ilang bahagi ng National Capital Region.
Inaalam pa ng Phivolcs kung may mga naitalang danyos sa nasabing pagyanig.