-- Advertisements --
Kinumpirma ni Quezon 3rd District Rep. Aleta Suarez na nag-positibo na rin siya sa COVID-19, ilang araw matapos mag-positibo ang kanyang asawang si Gov. Danilo Suarez.
Ginawa ni Rep. Suarez ang anunsyo sa social media account ng Quezon provincial government.
Nananatili naman daw asymptomatic ang mambabatas at sumasailalim na sa home quarantine habang mino-monitor ng doktor.
Sumailalim umano siu Suarez sa RT-PCR test noong Mayo 6 bilang close contact ng kanyang asawa at natanggap ang resulta kahapon.