-- Advertisements --
quiapo1
Quiapo Church

Inanunsiyo ng administrasyon ng Quiapo Church na pinagtibay nito ang patakaran ng gobyerno sa opsyonal na paggamit ng mga face mask kahit na sa mga indoor settings.

Sinabi ni Rev. Douglas Badong, ang vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, na pinapayuhan lamang ng simbahan ang publiko na maging “sensitive” sa mga tao sa kanilang paligid.

Hindi rin inoobliga ang mga pari at iba pang tauhan ng simbahan na magsuot ng face mask.

Napag-alaman na karamihan sa mga tao sa loob at labas ng Quiapo Church ay nakasuot pa rin ng face mask kahit alam nila ang maluwag na ang patakaran.