Nakabalik na sa Pasig City Jail si Pastor Apollo Quiboloy matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa pagamutan.
Sinabi ni Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) spokesman Supt. Jayrex Bustinera, na agad silang tumalima sa kautusan ng korte at nakabalik na sa kulungan ang umanoy sex offender na si Quiboloy.
Noong Enero 18 kasi ng dinala sa Rizal Medical Center si Quiboloy dahil sa rekamo nitong hirap sa paghinga.
Matapos nito ay inilipat siya sa The Medical City kung saan na-diagnosed siya ng community acquired pneumonia.
Una ng ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court branch 159 noong Enero 23 na ilipat sa Pasig City General Hospital si Quiboloy matapos na ma-diagnosed ng moderate risk pneumonia at stage 2 hypertension.
Habang nagpapagaling ay pinayagan din ng korte na magpadala ng video message para sa kampanya subalit hindi siya pinayagan na makapanayam ng mga mamamahayag.