-- Advertisements --

Dinala na si KOJC founder Apollo Quiboloy sa Philippine Heart Center kaninang umaga ngayong Sabado, Nobiyembre 23.

Ito ay matapos na payagan ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang medical furlough extension ng pastor hanggang sa araw ng Miyerkules, Nobiyembre 27.

Inaasahan na babalik sa custodial facility ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy sa naturang petsa alinsunod na rin sa order mula sa korte.

Matatandaan na nauna ng hiniling ng kampo ni Quiboloy na palawigin pa ang kaniyang medical furlough dahil sa impeksiyon mula dental implants ng pastor.

Nauna na ring isinugod ang pastor sa naturang ospital matapos na makaranas ng irregular heartbeat.