-- Advertisements --

Hindi pa nakakalabas ng bansa si Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Israelito Torreon, na nasa Pilipinas pa rin ang kaniyang kliyente.

Maging siya aniya ay hindi niya alam ang eksaktong kinaroroonan niya.

Ipinagtanggol din ng abogado ang mga kondisyon na inilatag ni Quiboloy bago ito sumuko kung saan rasonable naman ito at nais lamang ang katiyakan sa kaniyang pagsuko.

Una na ring sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring nasa kabundukan na nagtatago ang Pastor kaya hindi na ito makita sa kaniyang mga bahay sa lungsod ng Davao.