Nanindigan ang kampo ng kontrobersyal na leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na hindi ito aatras sa pagtakbo sa pagkasenador ngayong 2025 midterm elections.
Ayon sa Legal Counsel nito na si Atty. Israelito Torreon ang pagtakbo ni Quiboloy sa bilang senador ay isang uri ng protesta matapos ang isinagawang operasyon sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City noong nakaraang taon.
Sa naturang operasyon ay naaresto rin ang kontrobersyal na pastor dahil sa kasong may kinalaman sa Child abuse at Human Trafficking.
Ginawa ng abogado ang naturang pahayag matapos na matanong ito kung kailan nagdesisyon ang pastor na tumakbo sa pampublikong posisyon.
Aniyaz nag desisyon ang kanilang kliyente na tumakbo matapos ang siege sa mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ.
Kung maaalala, nagsagawa ng serye ng operations ang mga otoridad sa compound ng KOJC para isilbi ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba lang indibidwal.
Sinasabing sumuko ang pastor noong September 2024 matapos na bigyan ng ultimatum ng mga otoridad dahil sa pagtatago sa batas.