-- Advertisements --

Opisyal ng kasapi ng Senatorial line-up ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nakadetineng si KOJC founder Pastor Apollo Quiboloy para sa 2025 midterm elections

Sa isang statement na inilabas ng partido ngayong Biyernes, ipinaabot ni Quiboloy ang kaniyang pasasalamat sa liderato ng PDP-Laban matapos siyang opisyal na mapabilang sa listahan ng mga kandidato sa pagka-Senador ng Partido.

Matatandaan na nauna ng iniatras ni Quiboloy ang kaniyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) sa ilalim ng Workers’ and Peasants’ Party noong Oktubre 21, 2024 matapos kwestyunin ng labor leader na si Sonny Matula at sinabing invalid ang nominasyon ni Quiboloy dahil sa unauthorized signatory.

Kalaunan, nagpasya si Quiboloy na tumakbo bilang independent senatorial candidate bago siya tuluyang i-adopt ng PDP Laban.

Sa kasalukuyang nakadetine si Quiboloy sa Pasig city jail at humaharap sa mga kasong human trafficking, sexual at child abuse.

Maliban pa kay Quiboloy, kabilang din sa Senatorial slate ng PDP-laban sina Jimmy Bondoc, incumbent Sen. Ronald dela Rosa, Sen. Christopher Bong Go, Jayvee Hinlo, Raul Lambino, Rodante Marcoleta at aktor na si Philip Salvador.