-- Advertisements --

Kumbinsido ang Philippine National Police (PNP) na nasa loob pa rin ng Pilipinas ang puganteng Pastor na si Apollo Quiboloy.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na walang palatandaan na nakalabas ng Pilipinas si Quiboloy dahil wala pa ring validation at confirmation dito ang Bureau of Immigration (BI).

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang PNP ng simultanenous implementation ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at iba pang mga kasamahan nitong akusado.

Una rito, nanawagan si Fajardo sa mga taga-suporta ni Quiboloy na maging mahinahon at hayaan silang i-serve ang warrant of arrest at search warrant para maiwasan ang tensyon.

Paliwanag ng opisyal, alinsunod sa batas ang ginagawa ng mga operatiba ng PNP sa Davao City.