-- Advertisements --
Ipinag-utos ng korte na ibalik na sa Pasig City Jail si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Israelito Torreon, na iaapela ang nasabing kautusan dahil sa hindi pa tuluyang gumagaling ang 74-anyos na si Quiboloy.
Una ng dinala sa pagamutan sa Pasig si Quiboloy noong Enero 18 dahil sa labis na pag-uubo at hirap na makahinga.
Na-diagnosed ito ng “community acquired pneumonia”.
Magugunitang nakakulong si Quiboloy dahil sa qualified human trafficking at sexual abuse na ang kaniyang mga biktim ay mga dating kasamahan niya sa simbahan.