-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine National Police na sumailalim sa karagdagang medical test si Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay may kinalaman pa rin sa kanyang iniindang sakit simula ng madetain ito dahil sa patong-patong na kaso.
Kaugnay nito ay inulat ni Philippine National Police Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na hanggang sa ngayon ay bantay sarado ang pastor sa kanyang kwarto.
Nabatid na hindi pinaboran ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 ang kahilingan ng pastor na makatanggap ito ng bisita habang siya ay nasa ospital.
Nakapaligid ang mga tauhan ng PNP sa labas at loob ng Philippine Heart Center para sa seguridad ng kontrobersyal na pastor.