Ang pagtugon sa ibinigay na 24-oras na ultimatum ng PNP kaya sumuko na si Pastor Apollo Quiboloy at mga kasamahan nitong sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemañes.
Ayon kay PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo, na binigyan nila ng ultimatum ang kampo ni Quiboloy ng hanggang 24-oras at kung hindi tutugon ay hindi sila magdadalawang isip na pasukin ang isang gusali na ipinagbabawalan silang makapasok.
Nagkaroon ng negosasyon ang PNP intelligence group at ang Intelligence Group din ng Armed Forces of the Philippines sa kampo ni Quiboloy.
Sa mismong compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) natagpuan sina Quiboloy at apat na iba pa.
Matapos ang pagsuko ng grupo ni Quiboloy ay agad silang dinala sa PNP Custodial center sa Camp Crame nitong Linggo ng gabi.
Naging normal umano ang lahat ng medical examination at kinuhanan sila ng mugshots at fingerprints.
Magugunitang nahaharap si Quiboloy ng kasong child abuse, sexual abuse, and qualified trafficking.