-- Advertisements --

Naka-preposisyon na ang Quick Response Assets sa lahat ng mga rehiyon sa Luzon at Eastern Visayas bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Pepito.

Binubuo ito ng mahigit 1,300 equipment at halos 7,000 personnel.

Naka-standby na ang Disaster and Incident Management Teams ng ahensiya sa naturang mga lugar na binubuo naman ng 6,697 manpower na may 1,352 equipment na magsasagawa ng road monitoring, reporting, clearing operations at palliative measures sa mga napinsalang imprastruktura.

Nagbabanta kasing lumakas pa ang Super typhoon at inaasahang mag-landfall nitong gabi ng Sabado.