Tiniyak nang Department of Agriculture ang 24/7 monitoring sa kalagayan ng mangingisdang posibleng maaapektuhan ng pagtagas ng langis sa karagatang sakop ng lalawigan ng Bataan matapos lumubog ang oil tanker na MT Terra Nova kamakailan.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, anumang oras ay nakahanda sila ay magbigay ng tulong sa pamamagitan ng quick response fund ng ahensya.
Layon nito na maibigay ang mga pangangailangan ng mga mangingisda na inaasahang maaapektuhan ang kabuhayan dahil sa insidente.
Ayon kay de Mesa, aabot sa P1-B ang ilalaan ng ahensya para sa rehabilitation efforts at alternative livelihood program.
Nakikipag coordinate na rin aniya ang DA sa BFAR maging sa mga regional office para sa kabuuang assessment report.
Batay sa pagtataya ng BFAR, aabot sa 46,000 mangingisda ang maapektuhan ng oil spill na ito.
Kabilang na dito ang NCR, Central Luzon at CALABARZON.