-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Quiel habang nasa karagatang malapit sa area ng Palawan.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 400 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.
Kumikilos pa rin ito nang napakabagal sa direksyong pasilangan timog silangan.
Aasahan pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, lalo na sa Northern Luzon na apektado ng cold front.