-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Quiel na nasa West Philippine Sea.

Ayon sa Pagasa, nasa typhoon category na ito o isang malakas na sama ng panahon.

Gayunman, palayo na ito sa land area ng ating bansa kaya wala na itong posibilidad na magkaroon ng landfall.

Huling namataan ang typhoon Quiel sa layong 430 km sa kanluran ng Coron, Palawan.

Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 10 kph.

May lakas itong 120 kph at may pagbugsong 150 kph.