-- Advertisements --

Itinaas na ng Pagasa sa severe tropical storm ang kategorya ng bagyong Quiel, dahil sa patuloy nitong paglakas.

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 360 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 95 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 115 kph.

Kumikilos ito nang pasilangan sa napakabagal na pag-usad.

Samantala, patuloy namang uulanin ang Northern Luzon dahil sa umiiral na cold front at hanging amihan.