-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Quiel ang taglay nitong lakas habang papalapit sa Palawan.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 455 km sa kanluran hilagang kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Halos hindi uli umusad ang bagyo sa nakalipas na mga oras.
Sa ngayon, nagdadala pa rin ng ulan ang cold front sa Northern Luzon, habang localized thunderstorm naman sa ibang bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila.