-- Advertisements --
Unti-unti nang lumalayo sa Pilipinas ang severe tropical storm Quiel sa mga nakalipas na oras.
Ayon sa Pagasa, patungo na ang bagyo sa timog kanlurang direksyon sa bilis na 10 kph.
Huli itong namataan sa layong 430 km sa kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay ng sama ng panahon ang hangin na 110 kph at may pagbugsong 135 kph.
Inaasahang aakyat pa ito sa typhoon category o isang malakas na bagyo habang patungo sa South China Sea.
Maliban dito, binabantayan din ng Pagasa ang isa pang bagyo na nasa 3,310 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
May international name itong “Halong” at taglay ang hanging 120-130 kph.
Hindi ito inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).