Itinutulak ni Senior Vice Chair of the House Committee on Appropriations at Marikina Rep. Stella Quimbo ang paglikha ng isang special oversight committee, sa layuning pataasin ang transparency sa paggamit ng mga confidential at intelligence funds (CIFs) ng mga ahensya ng gobyerno na naghahanap ng mga espesyal na alokasyon.
Sa kanyang sponsorship speech ni Quimbo na siyang nag-endorso sa plano ng paggastos ng Commission on Audit (COA) para sa 2024, nanawagan si Quimbo sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na mag-rally sa likod ng pagtatatag ng special oversight committee na magtitiyak sa wastong paggamit ng pera ng bayan.
“Naniniwala ako na ang kaban ng bayan ay dapat ginagastos para sa kaunlaran ng bayan. This can only be achieved with a stronger push towads transparent governance,” pahayag ni Quimbo sa plenary.
Sa ilalim ng panukala ni Quimbo, nais niyang tatlong miyembro ng mayorya ng Kamara at isang miyembro ng minorya ang sumali sa Speaker sa special oversight committee, na ang pangunahing gawain ay tiyakin na ang mga CIF ay ginagamit nang maayos at makatarungan.
Paliwanag pa ni Quimbo, ang special committee ay mayruong pribiliheyo na magkaroon ng kumpletong access sa reports na isinumite ng COA-DBM Department of Budget and Management joint circular 2015-01.
Ang joint circular, na inisyu ng COA kasama ang DBM, ang Department of the Interior and Local Government, ang Department of National Defense at ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations, ay nagbabalangkas sa mga ahensya ng gobyerno at mga intelligence practitioner at mga eksperto na awtorisado at karapat-dapat na tumanggap ng mga Confidenrial at Intelligence Fund.