-- Advertisements --

Unti-unti nang lumalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang typhoon Quinta na nanalasa sa Bicol at Southern Tagalog.

Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 605 km sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro o 305 km sa hilaga hilagang silangan ng Pag-asa Island, Palawan.

Kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 25 kph.

Habang taglay ang lakas ng hangin na 140 kph at may pagbugsong 170 kph.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang signal number one sa Kalayaan Island sa Palawan.

Samantala, patuloy naman ang paglapit sa bansa ng isang low pressure area (LPA).

Huli itong namataan sa layong 1,855 km sa silangan ng Southern Luzon.

Inaasahang magiging bagyo ito sa susunod na mga araw at tatawaging tropical depression Rolly.