-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Overall champion ang Quirino, Isabela sa ginanap na Bambanti Festival 2023.

Nakamit ng Quirino ang first place sa festival dance showdown, 2nd place sa street dance, 2nd place sa Bambanti King at Bambanti Queen.

Nakamit din ng LGU Quirino ang ikalawang puwesto sa booth competition, ikatlong puwesto sa Giant Bambanti at nasa top 10 ang pambato sa Queen Isabela 2023 at texters choice awardee.

First Place naman ang bayan ng San Agustin habang tabla sa 2nd place ang lunsod ng Ilagan at Alicia at 3rd place ang Cauayan City.

First place sa Street dance Parade Category A ang Cauayan City, 2nd Place ang bayan ng Alicia, 3rd Place ang bayan ng Jones, 4th Place ang lunsod ng Santiago at 5th Place ang lunsod ng Ilagan.

First Place naman sa Category B ang bayan ng San Agustin, 2nd Place ang bayan ng Quirino, 3rd Place ang bayan ng Sta. Maria at 4th Place ang bayan ng Cabatuan.

Nakuha ng bayan ng San Agustin ang Overall 1st runner up matapos makuha ang 1st Place sa street dance competition, 4th Place sa Dance Showdown, 3rd Place sa Makan ti Isabela habang 2nd Place sa Giant Bambanti.

Fourth Place ang kanilang pambato sa Festival Queen at 5th Place ang kanilang pambato sa Festival King.

Nakuha naman ng Lunsod ng Ilagan ang 2023 Bambanti Festival Overall 2nd Runner up matapos mapanalunan ang Best Bambanti Agri Ecotourism Booth, 2nd Place din ang kanilang pambato sa Bambanti King and Queen 2023.

Fourth Place ang lunsod sa Festival Dance Showdown at 5th Place sila sa Street Parade.