CAUAYAN CITY- Natanggap na ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino ang mahigit 100,000 dose ng bakuna ng Pfizer.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Jun Pagbilao PSWD Officer ng Quirino at miyembro ng Quirino Province COVID task force, sinabi niya na ang lalawigan ng Quirino ang kauna-unahang probinsiyang nakatanggap ng COVID vaccines ng Pfizer.
Kung matatandaan ay una nang hiniling ng pamahalaang panalalwigan ng Quirino na makatanggap ng bakuna kontra COVID 19.
Kahapon ng dumating at matanggap ng pamahalaang panlalawigan ng quirino ang naturang mga bakuna na kasalukuyang nasa Quirino Province Medical Center sa bayan ng Cabarroguis.
Ang naturang mga bakuna ay nakalaan para sa kabilang sa A1 at A2 Priority group na kinabibilangan ng mga Senior Citizen, Health Workers at mga may comorbidities.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang vaccination roll out ng Astrazeneca Vaccines at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga mababakunahan ngayong taon dahil puntirya ng pamahalaang panlalawigan na mabakunahan ang pitumpung bahagdan ng populasiyon ng Quirino.
Ang lalawigan ng Quirino ay magdadalawang buwan ng sumasailalim sa Modified Enchanced Community Quarantine o MECQ at sa kasalukuyan ay mayroong 2,301 confirmed cases, 223 rito ang aktibong kaso, 2,013 ang gumaling, 37 ang bagong kaso at 65 ang nasawi.
Nanatili pa rin ang bayan ng Maddela sa may pinakamaraming aktibong kaso na sinundan ng mga bayan ng Diffun, Cabarroguis, Nagtipunan at Aglipay.