-- Advertisements --
Hindi pinayagan ng korte na makapaghain ng kaniyang piyansa ang singer na si R. Kelly dahil sa kinakaharap nitong sex crimes.
Ayon sa federal judge na kaya nila hindi pinayagan itong makapagpiyansa ay dahil sa kaso pa nitong obstruction of justice.
Binasa ng prosecutors ang 18 kaso ng Grammy award-winning artist na isinampa ng mga kabataang babae at kababaihan.
Posibleng maharap sa kabuuang 190 taon na pagkakakulong ang “I Believe I Can Fly” singer dahil sa mga kasong isinampa sa Chicago at New York.