-- Advertisements --

solo 1

Sa pamamagitan ng bagong batas ang Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parent Welfare Act, magkakaroon na ng dagdag benepisyo ang mga single parent na solong itinataguyod ang kanilang buong pamilya.

Ayon kay outgoing Agusan del Norte (1st District) Rep. Lawrence Fortun ang nasabing bagong batas ay maituturing na parting gift ng 18th Congress bilang kanilang serbisyo publiko.

Si Cong. Fortun ang siyang principal author at siyang chairman ng technical working group sa House Representatives sa pagbuo ng nasabing bagong batas.

Binigyang-diin ng outgoing congressman na ang Solo parents ay kabilang sa marginalized at vulnerable sectors sa lipunan.

Bagamat makakapag trabaho pa ang mga ito, iba ang kanilang social safety net kumpara sa mga senior citizens at persons with disabilities.

Ang nasabing bagong batas, mas magiging madali ito sa mga solo parents para ma qualify sa 7 days paid work leave, kung saan iniksian na ang qualification sa anim na buwan bilang empleyado imbes na isang taon.

Ang monthly cash assistance para sa mga solo parents na may earning na minimum wage ay makakatanggap ng more less P1,000 na kaparehong cash value na ibinibigay sa mga senior citizens na makukuha mula sa DSWD bilang social pension.

Dagdag pa ni Fortun ang nasabing cash aid ay dagdag income para sa mga solo parent.

Bukod sa cash aid, mayruong 10% discount na makukuha sa lahat ng mga bibilhing mga kagamitan lalo na sa mga pangangailangan ng anak hanggang sa maging anim na taong gulang ang mga ito.

Magkakaroon din ng educational scholarship grants para sa mga solo parent sa isang dependent.

Naniniwala si Fortun na malaking tulong ito para maka “cope up” ang mga solo parents sa mataas na cost of living na nararanasan ngayon.

Ang LGUs ang mag mamantine ng listahan para sa mga solo parents residents.

“Moving forward, I hope the 19th Congress will amend the PSA PhilSys National ID so its supporting database will recognize or identify solo parents, PWDs, and seniors, and contain key related data so the ID can be used for claiming benefits due them under various laws,” pahayag ni Fortun.