Naibenta sa pinakamahal na presyo ang rabbit sculpture na gawa ni Jeff Koon para itala bilang “most expensive work” ng isang living artist.
Ang stainless steel figure ng American artist na “Rabbit” na may sukat na mahigit sa 3 talampakan, ay naibenta sa halagang $91 million sa Christie’s sa New York.
Ang naturang halaga ay nalampasan pa ang mga naunang pagtaya ng mga eksperto.
Ang panibagong record ay anim na buwan pa lamang ang nakakalipas matapos na ang David Hockney’s “Portrait of an Artist (Pool with Two Figures)” ay maiposte rin ang bagong benchmark para sa isang living artist nang maisubasta ito sa $90.3 million noong buwan ng November doon pa rin sa Christie’s sa New York.
Ang dating record breaker ay ang “Balloon Dog (Orange)” sculpture ni Koon na naibenta sa halagang $58.4 million noon pang taong 2013.
Samantala ang faceless “Rabbit” ni Koon ay unang tinaya ng Christie’s na bebenta lamang sa pagitan ng $50 million hanggang sa $70 million.
Pero pagkatapos lamang daw ng 10 minutes of bidding ang winning offer ay dumating sa halagang $80 million kasama na ang auctioneer’s fees hanggang sa huling presyo na naitala sa $91,075,000.