-- Advertisements --

Binasag na ng nobyo ni Rabiya Mateo ang kaniyang katahimikan sa tunay na kalagayan ng kanilang relasyon.

Sa kaniyang Instagram kinumpirma ni Neil Salvacion na hindi na tapos na ang relasyon nila ng pambato ng bansa sa Miss Universe.

NEIL SALVACION IG POST
Neil Salvacion/ IG post

Paglilinaw nito na kahit wala na sila ay naging maganda naman ang kanilang relasyon.

Sinagot din nito ang mga batikos ng ilang kritiko kay Rabiya kung saan dapat aniya na tantanan na lamang nila ang mga ito.

Magugunitang maraming mga social media followers ng dalawa ang nagduda na hiwalay na sila matapos na kapwa silang nag-unfollow.

Nauna na ring nilinaw ni Rabiya na nasa kumplikadong sitwasyon ang kanilang relasyon ngayon.