-- Advertisements --

Nilinaw ng first ever Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo na hindi basta mawawala ang pagiging mag-best friend nila ng non-showbiz ex-boyfriend sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Unang pagkakataon ito na nagsalita muli ang 25-year-old half Indian beauty mula Iloilo, apat na buwan mula nang umuwi sa Pilipinas pagkatapos ng Top 21 finish sa Miss Universe 2020 kung saan mag-uusap daw sila ni Neil Salvacion.

Gayunman bago pa pala siya nagtungo sa Amerika para sa Miss Universe stint, ay malabo na aniya ang kanilang relasyon ng boyfriend of seven years pero piniling itago muna upang kapwa hindi sila ma-pressure sa fans.

“Kahit anong ibato ng tao for the both of us, alam ko po na he’s my best friend. Hindi rin madali ‘yung seven years na pinagsamahan namin,” ani Mateo sa pep.

“It’s gonna be a big headache on our sides. Pero after po kasi, it was like a mutual understanding, ‘Okay, unti-untiin na natin yung fans.’ Because during the competition, he was being pressured to post something about me. Bakit di raw siya nagpo-post, wala na raw ba kami? So I don’t want him to feel that kind of pressure kasi mahalaga din siya sa akin.”

Kamakailan lang nang maging agaw-pansin ang naging hugot ni Salvacion na iniwan siya ng beauty queen-girlfriend para sa korona, bagay na inihingi na nito ng “sorry” kay Rabiya.

Dinadamayan din daw nito ang matalik na kaibigan lalo’t kakamatay lang ng ina nito.

Sa ngayon ay kontento na si Rabiya sa “friendship label” nila ni Neil kahit pa marami aniya ang nanghihinayang sa haba ng kanilang pinagsamahan.

“It has nothing to do with the years that you are together, but it’s the kind of connection na you guys are on the same page all the time.”

Samantala, wala pa namang nabanggit si Rabiya hinggil sa naging paghahanap nito sa Indian na ama noong magbakasyon muna sa Amerika.