Sa unang pagkakataon, umamin na si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na kasalakuyang nasa komplikadong sitwasyon ang relasyon nila ng non-showbiz long time boyfriend.
Ito’y ilang araw matapos maging usap-usapan ang kanilang break-up noong mapansin ng mga netizen na burado na sa Instagram account ng lalaki ang mga larawan kasama ang beauty queen girlfriend.
Kasabay nito ang pagkaka-link ng half Indian beauty mula Iloilo, sa kapwa 24-year-old model na si Andre Brouillette.
“I still try to contact him (Neil Salvacion) but we need to have this space… as of the moment,” saad nito sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda.
Sa panig ng dalawang modelo, una na nilang itinanggi ang umano’y romantic relationship at giit na magkatrabaho lang sa ilalim ng iisang management kaya nagkakaroon ng bonding moments.
Kabilang dito ang outdoor lunch sa Beverly Hills pagkatapos ng Miss Universe journey ni Rabiya.
“So my intention uploading that photo was it was a great time with friends and a great lunch and with Miss Universe Philippines 2020, so great photo to upload for the memories. But then again I can’t control what people say and not everything people say is true,” wika ng dating PBB housemate sa Star Magic.
Malaki aniya ang kanyang respeto sa bagong kaibigan at hangad nito ang tagumpay matapos ang Top 21 finish sa 69th Miss Universe coronation.
Nabatid na bago pa man maugnay sa isa’t isa nitong mga nakalipas na araw, mayroon nang larawan sina Rabiya at Andre noong Mayo 7 o bago pa ang big night ng prestihyosong pageant.