-- Advertisements --

Palaisipan ngayon ng mga netiizens kung hiwalay na ba si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa nobyo nitong si Neil Salvacion.

Kasunod ito sa hindi na tila binura na ni Neil sa kaniyang Instagram ang mga larawan nila ni Rabiya.

Maraming mga followers ni Neil ang nagtanong sa kaniya kung bakit nito binura ang larawan nila ng Ilongga beauty queen subalit hindi ito nakakuha ng kasagutan.

May ilang netizens naman ang nagsabi na baka nais lamang ng dalawa na maging pribado ang kanilang relasyon.

Bagamat nabura na aniya nito ang mga larawan ay kapwa pa rin sila naka-follow sa Instagram sa isa’t-sa.

Magugunitang inamin ni Rabiya na mayroon na itong nobyo at tinukoy si Neil na anim na taon na ang relasyon nila.