-- Advertisements --

ILOILO CITY – All set na ang homecoming ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Lungsod ng Iloilo sa Huwebes, Nobyembre 12.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jobert Peñaflorida, presidente ng Iloilo Festivals Foundation, Incorporated, sinabi nito na nag-usap na sila ng Miss Universe Philippines Organization sa itinerary ni Rabiya.

Ayon kay Peñaflorida, magsasagawa ng motorcade si Rabiya sa pangunahing daanan sa Iloilo City sa Huwebes.

Tutuparin rin anya ni Rabiya ang kanyang pangako personal siyang magtatambol ng drum ng Bombo Radyobilang tradisyunal na ginagawa sa mga bisita ng istasyon.

Anya, mismo si Rabiya ang humiling na pupunta sa flasgship station ng Bombo Radyo Philippines.